22“Ngunit kung nasuway ng ilan sa inyo ang isa sa mga utos na ibinigay ng Panginoon kay Moises,
23o kayaʼy ng susunod pang mga henerasyon ang alin man sa mga utos na ibinigay ng Panginoon sa inyo sa pamamagitan ni Moises,
24at hindi sinasadya ang paggawa nito, at hindi rin alam ng buong kapulungan na pagsuway pala ito, ang buong kapulungan ay maghahandog ng isang batang toro bilang handog na sinusunog sa oras na nalaman ninyo ang inyong pagsuway. Ang mabangong samyo ng handog na itoʼy makalulugod sa Panginoon. Isama rin ninyo ang mga kinakailangang mga handog na pagkaing butil at inumin, at isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan.
25Ihahandog ito ng pari para matubos ang lahat ng mga mamamayan ng Israel sa kanilang kasalanan. Patatawarin ko sila dahil hindi naman ito sinasadya, at maghahandog din sila sa Panginoon ng mga handog sa pamamagitan ng apoy at ng handog para sa kasalanan.
26Patatawarin ko ang buong mamamayan ng Israel, pati ang mga dayuhang naninirahan kasama nila, dahil sangkot ang lahat sa kasalanang iyon na hindi sinasadya.