Mga Bilang 15

Dinala siya ng mga tao na nakakita sa kanya kina Moises at Aaron, at sa buong kapulungan.

Numbers 15:33 (UKJV) And they that found him gathering sticks brought him unto Moses and Aaron, and unto all the congregation.

31Dahil sa itinakwil niya ang salita ng Panginoon at sinuway niya ang utos nito. Huwag nʼyo na siyang ituturing na kabilang sa inyo. Mananagot siya sa kanyang mga kasalanan.”

32Habang naroon sa ilang ang mga Israelita, may nakita silang tao na nangangahoy sa Araw ng Pamamahinga.

33Dinala siya ng mga tao na nakakita sa kanya kina Moises at Aaron, at sa buong kapulungan.

34Ikinulong nila siya, dahil hindi sila nakasisiguro kung ano ang dapat gawin sa kanya.

35Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Kailangang patayin ang taong iyan, babatuhin siya ng buong kapulungan sa labas ng kampo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.