Mga Bilang 15

Dahil sa itinakwil niya ang salita ng Panginoon at sinuway niya ang utos nito. Huwag nʼyo na siyang ituturing na kabilang sa inyo. Mananagot siya sa kanyang mga kasalanan.”

Numbers 15:31 (UKJV) Because he has despised the word of the LORD, and has broken his commandment, that soul shall utterly be cut off; his iniquity shall be upon him.

29Iisa lang ang tuntunin para sa lahat ng nagkasala nang hindi sinasadya, katutubong Israelita man o dayuhang naninirahan kasama ninyo.

30“Subalit, ang sinumang nagkasala nang sinadya, katutubong Israelita man o hindi, na lumapastangan sa Panginoon, kailangang huwag na ninyong ituring na kababayan.

31Dahil sa itinakwil niya ang salita ng Panginoon at sinuway niya ang utos nito. Huwag nʼyo na siyang ituturing na kabilang sa inyo. Mananagot siya sa kanyang mga kasalanan.”

32Habang naroon sa ilang ang mga Israelita, may nakita silang tao na nangangahoy sa Araw ng Pamamahinga.

33Dinala siya ng mga tao na nakakita sa kanya kina Moises at Aaron, at sa buong kapulungan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.