27“Ngunit kung isang tao lang ang nagkasala nang hindi sinasadya, magdadala siya ng isang babaeng kambing na isang taóng gulang, bilang handog para sa kasalanan.
28Ihahandog ito ng pari sa harapan ng Panginoon para matubos ang taong iyon sa kanyang kasalanang hindi sinasadya, at pagkatapos, patatawarin ko siya.
29Iisa lang ang tuntunin para sa lahat ng nagkasala nang hindi sinasadya, katutubong Israelita man o dayuhang naninirahan kasama ninyo.
30“Subalit, ang sinumang nagkasala nang sinadya, katutubong Israelita man o hindi, na lumapastangan sa Panginoon, kailangang huwag na ninyong ituring na kababayan.
31Dahil sa itinakwil niya ang salita ng Panginoon at sinuway niya ang utos nito. Huwag nʼyo na siyang ituturing na kabilang sa inyo. Mananagot siya sa kanyang mga kasalanan.”