Mga Bilang 15

“Subalit, ang sinumang nagkasala nang sinadya, katutubong Israelita man o hindi, na lumapastangan sa Panginoon, kailangang huwag na ninyong ituring na kababayan.

Numbers 15:30 (UKJV) But the soul that does ought presumptuously, whether he be born in the land, or a stranger, the same reproaches the LORD; and that soul shall be cut off from among his people.

28Ihahandog ito ng pari sa harapan ng Panginoon para matubos ang taong iyon sa kanyang kasalanang hindi sinasadya, at pagkatapos, patatawarin ko siya.

29Iisa lang ang tuntunin para sa lahat ng nagkasala nang hindi sinasadya, katutubong Israelita man o dayuhang naninirahan kasama ninyo.

30“Subalit, ang sinumang nagkasala nang sinadya, katutubong Israelita man o hindi, na lumapastangan sa Panginoon, kailangang huwag na ninyong ituring na kababayan.

31Dahil sa itinakwil niya ang salita ng Panginoon at sinuway niya ang utos nito. Huwag nʼyo na siyang ituturing na kabilang sa inyo. Mananagot siya sa kanyang mga kasalanan.”

32Habang naroon sa ilang ang mga Israelita, may nakita silang tao na nangangahoy sa Araw ng Pamamahinga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.