9Hindi pa ba sapat sa inyo na sa buong mamamayan ng Israel, kayo ang pinili ng Diyos ng Israel na makalapit sa kanyang harapan para maglingkod sa Tolda ng Panginoon at upang maglingkod sa sambayanan?
10Pinili niya kayo at ang iba pang mga Levita upang makalapit sa kanyang presensya, at ngayon gusto pa ninyong maging pari?
11Sino ba si Aaron para pagreklamuhan ninyo? Sa ginagawa ninyong iyan, ang Panginoon ang kinakalaban mo at ng iyong mga tagasunod.”
12Pagkatapos, ipinatawag ni Moises sina Datan at Abiram, na mga anak ni Eliab. Ngunit sinabi nila, “Hindi kami pupunta!
13Hindi pa ba sapat na kinuha mo kami sa Ehipto na isang lupaing masagana sa gatas at pulot para patayin lang kami dito sa ilang? At ngayon, gusto mo pang maghari sa amin.