Mga Bilang 16

Hindi pa ba sapat na kinuha mo kami sa Ehipto na isang lupaing masagana sa gatas at pulot para patayin lang kami dito sa ilang? At ngayon, gusto mo pang maghari sa amin.

Numbers 16:13 (UKJV) Is it a small thing that you have brought us up out of a land that flows with milk and honey, to kill us in the wilderness, except you make yourself altogether a prince over us?

11Sino ba si Aaron para pagreklamuhan ninyo? Sa ginagawa ninyong iyan, ang Panginoon ang kinakalaban mo at ng iyong mga tagasunod.”

12Pagkatapos, ipinatawag ni Moises sina Datan at Abiram, na mga anak ni Eliab. Ngunit sinabi nila, “Hindi kami pupunta!

13Hindi pa ba sapat na kinuha mo kami sa Ehipto na isang lupaing masagana sa gatas at pulot para patayin lang kami dito sa ilang? At ngayon, gusto mo pang maghari sa amin.

14At isa pa, hindi mo kami dinala sa lupaing masagana sa gatas at pulot at binigyan ng mga bukid o mga ubasang magiging amin. Ngayon, gusto mo pa kaming lokohin? Hindi kami pupunta!”

15Nagalit si Moises at sinabi niya sa Panginoon, “Huwag po ninyong tatanggapin ang kanilang mga handog. Hindi ako nagkasala sa sinuman sa kanila; wala akong kinuha sa kanila kahit isang asno.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.