10Pinili niya kayo at ang iba pang mga Levita upang makalapit sa kanyang presensya, at ngayon gusto pa ninyong maging pari?
11Sino ba si Aaron para pagreklamuhan ninyo? Sa ginagawa ninyong iyan, ang Panginoon ang kinakalaban mo at ng iyong mga tagasunod.”
12Pagkatapos, ipinatawag ni Moises sina Datan at Abiram, na mga anak ni Eliab. Ngunit sinabi nila, “Hindi kami pupunta!
13Hindi pa ba sapat na kinuha mo kami sa Ehipto na isang lupaing masagana sa gatas at pulot para patayin lang kami dito sa ilang? At ngayon, gusto mo pang maghari sa amin.
14At isa pa, hindi mo kami dinala sa lupaing masagana sa gatas at pulot at binigyan ng mga bukid o mga ubasang magiging amin. Ngayon, gusto mo pa kaming lokohin? Hindi kami pupunta!”