Mga Bilang 16

at nilamon sila ng lupa pati ang kanilang pamilya, kasama ang lahat ng tagasunod ni Kora at ang lahat ng kanilang ari-arian.

Numbers 16:32 (UKJV) And the earth opened her mouth, and swallowed them up, and their houses, and all the men that appertained unto Korah, and all their goods.

30Ngunit kung gagawa ang Panginoon ng kamangha-manghang bagay, at mabibiyak ang lupa, at lalamunin sila nang buháy, kasama ang lahat ng mga ari-arian nila papunta sa mundo ng mga patay, dito malalaman ninyong ang mga taong ito ang nagtakwil sa Panginoon.”

31Pagkatapos magsalita ni Moises, nabiyak ang lupa na kinatatayuan nina Datan at Abiram,

32at nilamon sila ng lupa pati ang kanilang pamilya, kasama ang lahat ng tagasunod ni Kora at ang lahat ng kanilang ari-arian.

33Nilamon sila nang buháy ng lupa pati ang kanilang mga ari-arian. Sumara ang lupa at nawala sila sa kapulungan.

34Ang lahat ng mga Israelita ay nagsilayo nang marinig nila ang kanilang pagsigaw, dahil iniisip nila na baka lamunin din sila ng lupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.