Mga Bilang 16

Nilamon sila nang buháy ng lupa pati ang kanilang mga ari-arian. Sumara ang lupa at nawala sila sa kapulungan.

Numbers 16:33 (UKJV) They, and all that appertained to them, went down alive into the pit, and the earth closed upon them: and they perished from among the congregation.

31Pagkatapos magsalita ni Moises, nabiyak ang lupa na kinatatayuan nina Datan at Abiram,

32at nilamon sila ng lupa pati ang kanilang pamilya, kasama ang lahat ng tagasunod ni Kora at ang lahat ng kanilang ari-arian.

33Nilamon sila nang buháy ng lupa pati ang kanilang mga ari-arian. Sumara ang lupa at nawala sila sa kapulungan.

34Ang lahat ng mga Israelita ay nagsilayo nang marinig nila ang kanilang pagsigaw, dahil iniisip nila na baka lamunin din sila ng lupa.

35Pagkatapos, nagpadala ang Panginoon ng apoy, at nilamon nito ang 250 tagasunod ni Kora na naghahandog ng insenso.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.