Mga Bilang 16

Ngunit nang sumunod na araw, nagreklamo na naman ang buong mamamayang Israelita kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Pinatay ninyo ang mga mamamayan ng Panginoon.”

Numbers 16:41 (UKJV) But on the next day all the congregation of the children of Israel murmured against Moses and against Aaron, saying, All of you have killed the people of the LORD.

39Kaya ayon sa iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises, ipinakuha ng paring si Eleazar ang mga tansong lalagyan ng insenso na ginamit ng mga taong nasunog at pinitpit niya ito para itakip sa altar. Isa itong babala para sa mga Israelita na walang sinumang makakalapit sa altar upang magsunog ng insenso sa Panginoon maliban lang sa mga angkan ni Aaron para hindi mangyari sa kanya ang nangyari kay Kora at sa mga tagasunod niya.

41Ngunit nang sumunod na araw, nagreklamo na naman ang buong mamamayang Israelita kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Pinatay ninyo ang mga mamamayan ng Panginoon.”

42Habang nagkakaisa silang nagrereklamo kina Moises at Aaron, lumingon sila sa Toldang Tipanan at nakita nila na biglang bumalot ang ulap sa Tolda at ipinakita ng Panginoon ang kanyang kaluwalhatian.

43Pumunta sina Moises at Aaron sa harapan ng Tolda

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.