41Ngunit nang sumunod na araw, nagreklamo na naman ang buong mamamayang Israelita kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Pinatay ninyo ang mga mamamayan ng Panginoon.”
42Habang nagkakaisa silang nagrereklamo kina Moises at Aaron, lumingon sila sa Toldang Tipanan at nakita nila na biglang bumalot ang ulap sa Tolda at ipinakita ng Panginoon ang kanyang kaluwalhatian.
43Pumunta sina Moises at Aaron sa harapan ng Tolda
44at sinabi ng Panginoon kay Moises,
45“Lumayo kayo sa lahat ng mga taong iyan dahil tatapusin ko na sila ngayon din.” Nagpatirapa ang dalawa.