42Habang nagkakaisa silang nagrereklamo kina Moises at Aaron, lumingon sila sa Toldang Tipanan at nakita nila na biglang bumalot ang ulap sa Tolda at ipinakita ng Panginoon ang kanyang kaluwalhatian.
43Pumunta sina Moises at Aaron sa harapan ng Tolda
44at sinabi ng Panginoon kay Moises,
45“Lumayo kayo sa lahat ng mga taong iyan dahil tatapusin ko na sila ngayon din.” Nagpatirapa ang dalawa.
46Pagkatapos, sinabi ni Moises kay Aaron, “Kunin mo ang lalagyan mo ng insenso at lagyan ito ng insenso at baga galing sa altar, at magmadali kang pumunta sa mga mamamayan at maghandog ka sa Panginoon para mapatawad ang kanilang mga kasalanan, dahil galit na ang Panginoon at nagsimula na ang salot.”