Mga Bilang 16

Kaya ayon sa iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises, ipinakuha ng paring si Eleazar ang mga tansong lalagyan ng insenso na ginamit ng mga taong nasunog at pinitpit niya ito para itakip sa altar. Isa itong babala para sa mga Israelita na walang sinumang makakalapit sa altar upang magsunog ng insenso sa Panginoon maliban lang sa mga angkan ni Aaron para hindi mangyari sa kanya ang nangyari kay Kora at sa mga tagasunod niya.

Numbers 16:39 (UKJV) And Eleazar the priest took the brazen censers, wherewith they that were burnt had offered; and they were made broad plates for a covering of the altar:

37“Sabihin mo sa paring si Eleazar na anak ni Aaron, na kunin niya ang mga lalagyan ng insenso sa mga bangkay na nangasunog, dahil banal ang mga lalagyan. Sabihan mo rin sila na ikalat nila sa malayo ang mga baga

38ng mga lalagyang ito na galing sa mga taong namatay dahil sa kanilang mga kasalanan. Ipamartilyo ang mga ito hanggang sa mapitpit, at itakip sa altar dahil inihandog ito sa Panginoon at naging banal ito. Ang takip na ito sa altar ay magiging isang babala para sa mga Israelita.”

39Kaya ayon sa iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises, ipinakuha ng paring si Eleazar ang mga tansong lalagyan ng insenso na ginamit ng mga taong nasunog at pinitpit niya ito para itakip sa altar. Isa itong babala para sa mga Israelita na walang sinumang makakalapit sa altar upang magsunog ng insenso sa Panginoon maliban lang sa mga angkan ni Aaron para hindi mangyari sa kanya ang nangyari kay Kora at sa mga tagasunod niya.

41Ngunit nang sumunod na araw, nagreklamo na naman ang buong mamamayang Israelita kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Pinatay ninyo ang mga mamamayan ng Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.