5Pagkatapos, sinabi niya kay Kora at sa lahat ng kanyang tagasunod, “Bukas ng umaga, ipapahayag ng Panginoon kung sino ang totoong pinili niya na maglingkod sa kanya bilang mga pari dahil palalapitin niya sila sa kanyang harapan.
6Kaya, ikaw Kora, at ang lahat ng iyong tagasunod ay ganito ang gagawin: Kumuha kayo ng lalagyan ng insenso
7at bukas ay lagyan ninyo ito ng baga at insenso, at dalhin sa harapan ng Panginoon. Pagkatapos, makikita natin kung sino ang pinili ng Panginoon na maglingkod sa kanya. Kayong mga Levita, sumusobra na ang mga ginagawa ninyo!”
8Sinabi pa ni Moises kay Kora, “Pakinggan ninyo ito, kayong mga Levita.
9Hindi pa ba sapat sa inyo na sa buong mamamayan ng Israel, kayo ang pinili ng Diyos ng Israel na makalapit sa kanyang harapan para maglingkod sa Tolda ng Panginoon at upang maglingkod sa sambayanan?