Mga Bilang 16

Pagkatapos, sinabi niya kay Kora at sa lahat ng kanyang tagasunod, “Bukas ng umaga, ipapahayag ng Panginoon kung sino ang totoong pinili niya na maglingkod sa kanya bilang mga pari dahil palalapitin niya sila sa kanyang harapan.

Numbers 16:5 (UKJV) And he spoke unto Korah and unto all his company, saying, Even tomorrow the LORD will show who are his, and who is holy; and will cause him to come near unto him: even him whom he has chosen will he cause to come near unto him.

3Pumunta silang lahat kina Moises at Aaron, at sinabi, “Sobra na ang ginagawa nʼyo sa amin, ang buong sambayanan ay banal at nasa gitna nila ang presensya ng Panginoon, kaya bakit ninyo ginagawang mas mataas ang inyong sarili nang higit sa aming lahat?”

4Pagkarinig nito ni Moises, nagpatirapa siya.

5Pagkatapos, sinabi niya kay Kora at sa lahat ng kanyang tagasunod, “Bukas ng umaga, ipapahayag ng Panginoon kung sino ang totoong pinili niya na maglingkod sa kanya bilang mga pari dahil palalapitin niya sila sa kanyang harapan.

6Kaya, ikaw Kora, at ang lahat ng iyong tagasunod ay ganito ang gagawin: Kumuha kayo ng lalagyan ng insenso

7at bukas ay lagyan ninyo ito ng baga at insenso, at dalhin sa harapan ng Panginoon. Pagkatapos, makikita natin kung sino ang pinili ng Panginoon na maglingkod sa kanya. Kayong mga Levita, sumusobra na ang mga ginagawa ninyo!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.