1Ngayon, nagrebelde kay Moises si Kora na anak ni Izar, mula sa angkan ni Kohat na anak ni Levi. Kasama niya sa pag-aaklas sina Datan at Abiram na mga anak ni Eliab, at si On na anak ni Pelet na mula sa lahi ni Ruben. Kasama nila ang 250 lalaking Israelita na kilala at pinili ng mga pinuno mula sa kapulungan ng Israel.
3Pumunta silang lahat kina Moises at Aaron, at sinabi, “Sobra na ang ginagawa nʼyo sa amin, ang buong sambayanan ay banal at nasa gitna nila ang presensya ng Panginoon, kaya bakit ninyo ginagawang mas mataas ang inyong sarili nang higit sa aming lahat?”
4Pagkarinig nito ni Moises, nagpatirapa siya.
5Pagkatapos, sinabi niya kay Kora at sa lahat ng kanyang tagasunod, “Bukas ng umaga, ipapahayag ng Panginoon kung sino ang totoong pinili niya na maglingkod sa kanya bilang mga pari dahil palalapitin niya sila sa kanyang harapan.