Mga Bilang 17

Tinupad ni Moises ang iniutos sa kanya ng Panginoon.

Numbers 17:11 (UKJV) And Moses did so: as the LORD commanded him, so did he.

9Pagkatapos, inilabas ni Moises ang lahat ng baston mula sa presensya ng Panginoon at ipinakita sa lahat ng mga Israelita. Tiningnan nila ito, at kinuha ng bawat pinuno ng lahi ang kani-kanilang baston.

10Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Ibalik ang baston ni Aaron sa harapan ng Kahon ng Kasunduan upang maging babala ito sa mga rebelde na mamamatay sila kung hindi sila titigil sa pagrerebelde laban sa akin.”

11Tinupad ni Moises ang iniutos sa kanya ng Panginoon.

12Sinabi ng mga Israelita kay Moises, “Mamamatay kami nitong lahat!

13Dahil sinumang lumapit sa Tolda ng Panginoon ay mamamatay. Mamamatay na ba kaming lahat?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.