10Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Ibalik ang baston ni Aaron sa harapan ng Kahon ng Kasunduan upang maging babala ito sa mga rebelde na mamamatay sila kung hindi sila titigil sa pagrerebelde laban sa akin.”
11Tinupad ni Moises ang iniutos sa kanya ng Panginoon.
12Sinabi ng mga Israelita kay Moises, “Mamamatay kami nitong lahat!
13Dahil sinumang lumapit sa Tolda ng Panginoon ay mamamatay. Mamamatay na ba kaming lahat?”