1Sinabi ng Panginoon kay Aaron, “Ikaw at ang mga anak mong lalaki na mula sa lahi ni Levi ang mananagot sa anumang kasalanang may kinalaman sa Toldang Pinagtipunan. Ngunit ikaw lang at ang mga anak mo ang mananagot sa kasalanan na inyong magagawa na may kinalaman sa inyong pagkapari.
2Kung maglilingkod ka at ang mga anak mo sa Toldang Tipanan, patulungin nʼyo ang mga kamag-anak nʼyo at kapwa Levita.
3Magtatrabaho sila sa ilalim ng iyong pamamahala at gagawin nila ang lahat ng mga gawain sa Tolda, ngunit hindi sila dapat humawak sa mga sagradong kagamitan sa Banal na Lugar o sa altar, dahil kung gagawin nila ito mamamatay sila pati kayo.