29Kinakailangang ialay sa Panginoon ang pinakamaganda at pinakabanal na bahagi ng lahat ng ibinibigay sa inyo.
30“Sabihin ninyo ito sa mga Levita: ‘Kapag naihandog na ninyo ang pinakamagandang bahagi, ituturing ko itong handog ninyo mula sa giikan o pisaan ng ubas.
31Maaari mong kainin at ng iyong pamilya ang inyong bahagi kahit saang lugar dahil suweldo ninyo iyan sa inyong paglilingkod sa Toldang Tipanan.
32Hindi kayo magkakasala sa pagkain ninyo nito kung naihandog na ninyo ang pinakamabuting bahagi sa Panginoon. Ngunit tiyakin ninyong hindi ninyo marurumihan ang banal na mga handog ng mga Israelita, sa pamamagitan ng pagkain ng inyong bahagi nang hindi pa ninyo naibibigay ang aking bahagi para hindi kayo mamatay.’ ”