2Kung maglilingkod ka at ang mga anak mo sa Toldang Tipanan, patulungin nʼyo ang mga kamag-anak nʼyo at kapwa Levita.
3Magtatrabaho sila sa ilalim ng iyong pamamahala at gagawin nila ang lahat ng mga gawain sa Tolda, ngunit hindi sila dapat humawak sa mga sagradong kagamitan sa Banal na Lugar o sa altar, dahil kung gagawin nila ito mamamatay sila pati kayo.
4Tutulong sila sa iyo, at tungkulin nila ang pag-aasikaso ng Toldang Tipanan at ang paggawa ng lahat ng gawain dito. Dapat walang sinumang tutulong sa iyo at sa iyong mga anak maliban sa lahi ni Levi.
5“Ikaw ang mamamahala sa pag-aasikaso ng Banal na Lugar at ng altar, upang hindi ako muling magalit sa mga Israelita.
6Ako ang pumili ng kapwa mo Levita mula sa mga Israelita para maging katulong mo. Itinalaga sila sa Panginoon para maglingkod sa Toldang Tipanan.