4Tutulong sila sa iyo, at tungkulin nila ang pag-aasikaso ng Toldang Tipanan at ang paggawa ng lahat ng gawain dito. Dapat walang sinumang tutulong sa iyo at sa iyong mga anak maliban sa lahi ni Levi.
5“Ikaw ang mamamahala sa pag-aasikaso ng Banal na Lugar at ng altar, upang hindi ako muling magalit sa mga Israelita.
6Ako ang pumili ng kapwa mo Levita mula sa mga Israelita para maging katulong mo. Itinalaga sila sa Panginoon para maglingkod sa Toldang Tipanan.
7Ngunit ikaw lang at ang iyong mga anak ang makapaglilingkod bilang mga pari, dahil kayo lang ang makakagawa ng mga gawain na may kinalaman sa altar at sa Pinakabanal na Lugar. Regalo ko sa inyo ang inyong pagkapari. Papatayin ang sinumang gagawa nito na hindi pari.”
8Sinabi ng Panginoon kay Aaron, “Ako ang pumili sa iyo para mamahala sa mga banal na handog na iniaalay sa akin ng mga Israelita. Ibinibigay ko ito sa iyo at sa iyong mga anak bilang inyong bahagi magpakailanman.