Mga Bilang 18

Ngunit ikaw lang at ang iyong mga anak ang makapaglilingkod bilang mga pari, dahil kayo lang ang makakagawa ng mga gawain na may kinalaman sa altar at sa Pinakabanal na Lugar. Regalo ko sa inyo ang inyong pagkapari. Papatayin ang sinumang gagawa nito na hindi pari.”

Numbers 18:7 (UKJV) Therefore you and your sons with you shall keep your priest's office for everything of the altar, and within the vail; and all of you shall serve: I have given your priest's office unto you as a service of gift: and the stranger that comes nigh shall be put to death.

5“Ikaw ang mamamahala sa pag-aasikaso ng Banal na Lugar at ng altar, upang hindi ako muling magalit sa mga Israelita.

6Ako ang pumili ng kapwa mo Levita mula sa mga Israelita para maging katulong mo. Itinalaga sila sa Panginoon para maglingkod sa Toldang Tipanan.

7Ngunit ikaw lang at ang iyong mga anak ang makapaglilingkod bilang mga pari, dahil kayo lang ang makakagawa ng mga gawain na may kinalaman sa altar at sa Pinakabanal na Lugar. Regalo ko sa inyo ang inyong pagkapari. Papatayin ang sinumang gagawa nito na hindi pari.”

8Sinabi ng Panginoon kay Aaron, “Ako ang pumili sa iyo para mamahala sa mga banal na handog na iniaalay sa akin ng mga Israelita. Ibinibigay ko ito sa iyo at sa iyong mga anak bilang inyong bahagi magpakailanman.

9May bahagi kayo sa napakabanal na mga handog na ito na hindi sinusunog, na inihandog ng mga tao sa akin bilang napakabanal na mga handog. Kasama ng mga handog na ito ang handog na pagkaing butil para sa akin, handog para sa kasalanan, at handog na pambayad ng kasalanan. Ito ang mga bahagi mo at ng iyong mga anak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.