6Ako ang pumili ng kapwa mo Levita mula sa mga Israelita para maging katulong mo. Itinalaga sila sa Panginoon para maglingkod sa Toldang Tipanan.
7Ngunit ikaw lang at ang iyong mga anak ang makapaglilingkod bilang mga pari, dahil kayo lang ang makakagawa ng mga gawain na may kinalaman sa altar at sa Pinakabanal na Lugar. Regalo ko sa inyo ang inyong pagkapari. Papatayin ang sinumang gagawa nito na hindi pari.”
8Sinabi ng Panginoon kay Aaron, “Ako ang pumili sa iyo para mamahala sa mga banal na handog na iniaalay sa akin ng mga Israelita. Ibinibigay ko ito sa iyo at sa iyong mga anak bilang inyong bahagi magpakailanman.
9May bahagi kayo sa napakabanal na mga handog na ito na hindi sinusunog, na inihandog ng mga tao sa akin bilang napakabanal na mga handog. Kasama ng mga handog na ito ang handog na pagkaing butil para sa akin, handog para sa kasalanan, at handog na pambayad ng kasalanan. Ito ang mga bahagi mo at ng iyong mga anak.
10Kainin ninyo ito bilang isang napakabanal na handog. Kailangang mga lalaki lang ang kakain nito at ituring ninyo itong banal.