Mga Bilang 19

Ngunit kung ang taong marumi ay hindi maglilinis, huwag nʼyo na siyang ituring na kababayan ninyo, dahil para na rin niyang dinungisan ang Tolda ng Panginoon. At dahil hindi siya nawisikan ng tubig na ginagamit sa paglilinis, marumi pa rin siya.

Numbers 19:20 (UKJV) But the man that shall be unclean, and shall not purify himself, that soul shall be cut off from among the congregation, because he has defiled the sanctuary of the LORD: the water of separation has not been sprinkled upon him; he is unclean.

18Pagkatapos, kukuha ang taong itinuturing na malinis ng isang sanga ng halamang isopo, at isasawsaw niya ito sa nasabing tubig, at iwiwisik sa tolda na may namatay at sa lahat ng kagamitan dito, at sa mga tao na nasa tolda. Wiwisikan din ang taong nakahipo ng buto ng tao o ng libingan, o ang sinumang pinatay o namatay sa natural na kamatayan.

19Sa ikatlo at ikapitong araw, wiwisikan ng malinis na tao ang maruming tao. At sa ikapitong araw, kailangang labhan ng taong nilinisan ang kanyang damit at maligo siya, at sa gabing iyoʼy ituturing na siyang malinis.

20Ngunit kung ang taong marumi ay hindi maglilinis, huwag nʼyo na siyang ituring na kababayan ninyo, dahil para na rin niyang dinungisan ang Tolda ng Panginoon. At dahil hindi siya nawisikan ng tubig na ginagamit sa paglilinis, marumi pa rin siya.

21Ang tuntuning ito ay dapat nilang sundin magpakailanman. “Ang taong nagwisik ng tubig na ginagamit sa paglilinis ay kailangang maglaba ng kanyang damit, at ang sinumang humipo ng tubig na panglinis ay ituturing na marumi buong maghapon.

22Ang sinuman o anumang hahawak o hihipo sa maruming tao ay magiging marumi rin hanggang hapon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.