19Sa ikatlo at ikapitong araw, wiwisikan ng malinis na tao ang maruming tao. At sa ikapitong araw, kailangang labhan ng taong nilinisan ang kanyang damit at maligo siya, at sa gabing iyoʼy ituturing na siyang malinis.
20Ngunit kung ang taong marumi ay hindi maglilinis, huwag nʼyo na siyang ituring na kababayan ninyo, dahil para na rin niyang dinungisan ang Tolda ng Panginoon. At dahil hindi siya nawisikan ng tubig na ginagamit sa paglilinis, marumi pa rin siya.
21Ang tuntuning ito ay dapat nilang sundin magpakailanman. “Ang taong nagwisik ng tubig na ginagamit sa paglilinis ay kailangang maglaba ng kanyang damit, at ang sinumang humipo ng tubig na panglinis ay ituturing na marumi buong maghapon.
22Ang sinuman o anumang hahawak o hihipo sa maruming tao ay magiging marumi rin hanggang hapon.”