15Pumunta ang aming mga ninuno sa Ehipto, at matagal silang nanirahan doon. Inapi kami at ang aming mga ninuno ng mga Ehipsiyo,
16ngunit humingi kami ng tulong sa Panginoon. Pinakinggan niya kami at pinadalhan ng anghel na naglabas sa amin sa Ehipto. “Ngayon, naririto kami sa Kades, ang bayan sa tabi ng iyong teritoryo.
17Kung maaari ay payagan ninyo kaming dumaan sa inyong lupain. Hindi kami dadaan sa inyong mga bukid o ubasan, o iinom sa inyong mga balon. Dadaan lang kami sa Lansangan ng Hari at hindi kami liliko sa kaliwa o sa kanan, hanggang sa makalabas kami sa inyong teritoryo.”
18Ngunit ito ang sagot ng hari ng Edom: “Huwag kayong dadaan dito sa amin. Kapag dumaan kayo, sasalakayin namin kayo at papatayin.”
19Sumagot ang mga Israelita: “Dadaan lang kami sa pangunahing daan; at kung makakainom kami at ang aming mga hayop ng inyong tubig, babayaran namin ito. Dadaan lang kami sa inyo.”