17Kung maaari ay payagan ninyo kaming dumaan sa inyong lupain. Hindi kami dadaan sa inyong mga bukid o ubasan, o iinom sa inyong mga balon. Dadaan lang kami sa Lansangan ng Hari at hindi kami liliko sa kaliwa o sa kanan, hanggang sa makalabas kami sa inyong teritoryo.”
18Ngunit ito ang sagot ng hari ng Edom: “Huwag kayong dadaan dito sa amin. Kapag dumaan kayo, sasalakayin namin kayo at papatayin.”
19Sumagot ang mga Israelita: “Dadaan lang kami sa pangunahing daan; at kung makakainom kami at ang aming mga hayop ng inyong tubig, babayaran namin ito. Dadaan lang kami sa inyo.”
20Sumagot muli ang hari ng Edom, “Hindi kayo maaaring dumaan dito!” Pagkatapos, tinipon ng hari ng Edom ang kanyang malalakas na sundalo para makipaglaban sa mga Israelita.
21Dahil ayaw magpadaan ng mga taga-Edom sa kanilang teritoryo, humanap na lang ang mga Israelita ng ibang madaraanan.