Mga Bilang 20

Nakipagtalo sila kay Moises at sinabi, “Mabuti pang namatay na lang kami kasama ng mga kababayan naming namatay noon sa presensya ng Panginoon.

Numbers 20:3 (UKJV) And the people find fault with Moses, and spoke, saying, Would God that we had died when our brethren died before the LORD!

1Sa unang buwan ng taon, dumating ang lahat ng mga mamamayan ng Israel sa ilang ng Zin, at nagkampo sila sa Kades. Doon namatay si Miriam at inilibing.

2Walang tubig doon, kaya nagkaisa na naman ang mga tao laban kina Moises at Aaron.

3Nakipagtalo sila kay Moises at sinabi, “Mabuti pang namatay na lang kami kasama ng mga kababayan naming namatay noon sa presensya ng Panginoon.

4Bakit mo dinala ang mga mamamayan ng Panginoon dito sa disyerto? Para ba mamatay kami kasama ng aming mga alagang hayop?

5Bakit ba pinalabas mo pa kami sa Ehipto at dinala dito sa walang kuwentang lugar na kahit trigo, igos, ubas o pomegranata ay wala? At walang tubig na maiinom!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.