2Walang tubig doon, kaya nagkaisa na naman ang mga tao laban kina Moises at Aaron.
3Nakipagtalo sila kay Moises at sinabi, “Mabuti pang namatay na lang kami kasama ng mga kababayan naming namatay noon sa presensya ng Panginoon.
4Bakit mo dinala ang mga mamamayan ng Panginoon dito sa disyerto? Para ba mamatay kami kasama ng aming mga alagang hayop?
5Bakit ba pinalabas mo pa kami sa Ehipto at dinala dito sa walang kuwentang lugar na kahit trigo, igos, ubas o pomegranata ay wala? At walang tubig na maiinom!”
6Kaya iniwan nina Moises at Aaron ang mga mamamayan, at nagpunta sila sa Toldang Tipanan at nagpatirapa sila. Pagkatapos, nagpakita sa kanila ang makapangyarihang kaluwalhatian ng Panginoon.