Mga Bilang 20

Kaya iniwan nina Moises at Aaron ang mga mamamayan, at nagpunta sila sa Toldang Tipanan at nagpatirapa sila. Pagkatapos, nagpakita sa kanila ang makapangyarihang kaluwalhatian ng Panginoon.

Numbers 20:6 (UKJV) And Moses and Aaron went from the presence of the assembly unto the door of the tabernacle of the congregation, and they fell upon their faces: and the glory of the LORD appeared unto them.

4Bakit mo dinala ang mga mamamayan ng Panginoon dito sa disyerto? Para ba mamatay kami kasama ng aming mga alagang hayop?

5Bakit ba pinalabas mo pa kami sa Ehipto at dinala dito sa walang kuwentang lugar na kahit trigo, igos, ubas o pomegranata ay wala? At walang tubig na maiinom!”

6Kaya iniwan nina Moises at Aaron ang mga mamamayan, at nagpunta sila sa Toldang Tipanan at nagpatirapa sila. Pagkatapos, nagpakita sa kanila ang makapangyarihang kaluwalhatian ng Panginoon.

7Sinabi ng Panginoon kay Moises,

8“Kunin mo ang iyong tungkod at tipunin ninyo ni Aaron ang lahat ng mga mamamayan. At habang nakatingin sila, utusan mo ang bato na maglabas ng tubig, at magpapaagos ito ng tubig. Sa pamamagitan nito, mabibigyan ninyo ng tubig ang mamamayan para makainom sila at ang kanilang mga hayop.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.