Mga Bilang 20

Walang tubig doon, kaya nagkaisa na naman ang mga tao laban kina Moises at Aaron.

Numbers 20:2 (UKJV) And there was no water for the congregation: and they gathered themselves together against Moses and against Aaron.

1Sa unang buwan ng taon, dumating ang lahat ng mga mamamayan ng Israel sa ilang ng Zin, at nagkampo sila sa Kades. Doon namatay si Miriam at inilibing.

2Walang tubig doon, kaya nagkaisa na naman ang mga tao laban kina Moises at Aaron.

3Nakipagtalo sila kay Moises at sinabi, “Mabuti pang namatay na lang kami kasama ng mga kababayan naming namatay noon sa presensya ng Panginoon.

4Bakit mo dinala ang mga mamamayan ng Panginoon dito sa disyerto? Para ba mamatay kami kasama ng aming mga alagang hayop?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.