Mga Bilang 21

Mula doon sa Arnon, nagpatuloy ang mga Israelita sa Beer, ang balon na kung saan sinabi ng Panginoon kay Moises, “Tipunin ninyo ang mga tao at bibigyan ko sila ng tubig.”

Numbers 21:16 (UKJV) And from thence they went to Beer: that is the well whereof the LORD spoke unto Moses, Gather the people together, and I will give them water.

14Iyan ang dahilan kung bakit nakasulat sa Aklat ng Pakikipaglaban ng Panginoon: “ang bayan ng Waheb na sakop ng Sufa, ang mga lambak ng Arnon,

15pati ang gilid ng mga lambak na umaabot sa bayan ng Ar na nasa hangganan ng Moab.”

16Mula doon sa Arnon, nagpatuloy ang mga Israelita sa Beer, ang balon na kung saan sinabi ng Panginoon kay Moises, “Tipunin ninyo ang mga tao at bibigyan ko sila ng tubig.”

17At doon umawit ang mga Israelita ng awit na ito: Patuloy na magbibigay ng tubig ang balong ito! Aawit tayo tungkol sa balong ito

18na ipinahukay ng mga pinuno at mararangal na tao sa pamamagitan ng kanilang kapangyarihan. Mula sa disyerto nagpunta sila sa Matana;

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.