16Mula doon sa Arnon, nagpatuloy ang mga Israelita sa Beer, ang balon na kung saan sinabi ng Panginoon kay Moises, “Tipunin ninyo ang mga tao at bibigyan ko sila ng tubig.”
17At doon umawit ang mga Israelita ng awit na ito: Patuloy na magbibigay ng tubig ang balong ito! Aawit tayo tungkol sa balong ito
18na ipinahukay ng mga pinuno at mararangal na tao sa pamamagitan ng kanilang kapangyarihan. Mula sa disyerto nagpunta sila sa Matana;
19mula sa Matana nagpunta sila sa Nahaliel; mula sa Nahaliel nagpunta sila sa Bamot,
20at mula sa Bamot nagpunta sila sa lambak ng Moab, na kung saan makikita ang disyerto sa baba ng tuktok ng Pisga.