Mga Bilang 22

Sumagot si Balaam, “Nandito na ako. Ngunit sasabihin ko lang sa iyo kung ano ang ipinasasabi ng Diyos sa akin.”

Numbers 22:38 (UKJV) And Balaam said unto Balak, Lo, I am come unto you: have I now any power at all to say any thing? the word that God puts in my mouth, that shall I speak.

36Nang malaman ni Balak na paparating si Balaam, sumalubong siya roon sa isang bayan ng Moab malapit sa Arnon, sa hangganan ng kanyang teritoryo.

37Sinabi ni Balak kay Balaam, “Hindi baʼt dali-dali kitang ipinatawag? Bakit hindi ka kaagad nagpunta? Iniisip mo ba na hindi kita babayaran?”

38Sumagot si Balaam, “Nandito na ako. Ngunit sasabihin ko lang sa iyo kung ano ang ipinasasabi ng Diyos sa akin.”

39Pagkatapos, sumáma si Balaam kay Balak sa Kiriat Huzot.

40At naghandog doon si Balak ng baka at tupa. Ibinigay niya ang ibang mga karne kay Balaam at sa mga pinuno na kasama niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.