38Sumagot si Balaam, “Nandito na ako. Ngunit sasabihin ko lang sa iyo kung ano ang ipinasasabi ng Diyos sa akin.”
39Pagkatapos, sumáma si Balaam kay Balak sa Kiriat Huzot.
40At naghandog doon si Balak ng baka at tupa. Ibinigay niya ang ibang mga karne kay Balaam at sa mga pinuno na kasama niya.
41Kinaumagahan, dinala ni Balak si Balaam sa Bamot-baal at doon nakita niya sa ibaba ang buong mamamayan ng Israel.