Mga Bilang 24

Uuwi ako ngayon din sa aking mga kababayan, ngunit bago ako umalis, paaalalahanan muna kita kung ano ang gagawin ng mga Israelitang ito sa iyong mga mamamayan balang araw.”

Numbers 24:14 (UKJV) And now, behold, I go unto my people: come therefore, and I will advertise you what this people shall do to your people in the latter days.

12Sumagot si Balaam kay Balak, “Hindi baʼt sinabihan ko ang iyong mga mensahero,

13na kahit ibigay mo pa sa akin ang iyong palasyong puno ng pilak at ginto, hindi ako makakagawa ng sarili kong kagustuhan, masama man ito o mabuti. Kung ano ang sinasabi ng Panginoon sa akin, iyon lang ang aking sasabihin.

14Uuwi ako ngayon din sa aking mga kababayan, ngunit bago ako umalis, paaalalahanan muna kita kung ano ang gagawin ng mga Israelitang ito sa iyong mga mamamayan balang araw.”

15Pagkatapos, sinabi ni Balaam ang propesiyang ito: “Ako si Balaam na anak ni Beor, at may malinaw akong pang-unawa.

16Narinig ko ang salita ng Kataas-taasang Diyos, at nakakita ako ng pangitain mula sa Diyos na Makapangyarihan. Nagpatirapa ako sa kanya at nagpahayag siya sa akin:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.