Mga Bilang 27

Patayuin mo siya sa harapan ng paring si Eleazar at ng buong kapulungan, at ipaalam mo sa kanila na pinili mo siya para pumalit sa iyo.

Numbers 27:19 (UKJV) And set him before Eleazar the priest, and before all the congregation; and give him a charge in their sight.

17at mangunguna sa kanila sa labanan, para ang inyong mga mamamayan ay hindi maging tulad ng mga tupang walang tagapagbantay.”

18Kaya sinabi ng Panginoon kay Moises, “Ipatawag mo si Josue na anak ni Nun, na puspos ng Espiritu, at ipatong mo ang iyong kamay sa kanyang ulo.

19Patayuin mo siya sa harapan ng paring si Eleazar at ng buong kapulungan, at ipaalam mo sa kanila na pinili mo siya para pumalit sa iyo.

20Ibigay mo sa kanya ang iba mong kapangyarihan upang sundin siya ng lahat ng mga mamamayan ng Israel.

21Kay Eleazar niya malalaman ang aking pasya sa pamamagitan ng paggamit ni Eleazar ng ‘Urim’ sa harapan ng Panginoon. Sa pamamagitan nito, masusubaybayan ni Eleazar si Josue at ang lahat ng mga Israelita sa kanilang gagawin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.