Mga Bilang 27

Kaya sinabi ng Panginoon kay Moises, “Ipatawag mo si Josue na anak ni Nun, na puspos ng Espiritu, at ipatong mo ang iyong kamay sa kanyang ulo.

Numbers 27:18 (UKJV) And the LORD said unto Moses, Take you Joshua the son of Nun, a man in whom is the spirit, and lay yours hand upon him;

16“O Panginoon, Diyos na pinanggagalingan ng buhay ng lahat ng tao, pumili po sana kayo ng isang tao na mamumuno sa mga mamamayang ito

17at mangunguna sa kanila sa labanan, para ang inyong mga mamamayan ay hindi maging tulad ng mga tupang walang tagapagbantay.”

18Kaya sinabi ng Panginoon kay Moises, “Ipatawag mo si Josue na anak ni Nun, na puspos ng Espiritu, at ipatong mo ang iyong kamay sa kanyang ulo.

19Patayuin mo siya sa harapan ng paring si Eleazar at ng buong kapulungan, at ipaalam mo sa kanila na pinili mo siya para pumalit sa iyo.

20Ibigay mo sa kanya ang iba mong kapangyarihan upang sundin siya ng lahat ng mga mamamayan ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.