Mga Bilang 30

Ngunit kung tumutol ang kanyang asawa kapag nalaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin. Patatawarin siya ng Panginoon dahil tumutol ang kanyang asawa.

Numbers 30:12 (UKJV) But if her husband has utterly made them void on the day he heard them; then whatsoever proceeded out of her lips concerning her vows, or concerning the bond of her soul, shall not stand: her husband has made them void; and the LORD shall forgive her.

10“At kung ang isang babaeng may asawa ay gumawa ng panata o nanumpa na gagawin niya o hindi ang isang bagay,

11at nalaman ito ng kanyang asawa ngunit tumahimik lang ito at hindi tumutol, kailangang tuparin niya ito.

12Ngunit kung tumutol ang kanyang asawa kapag nalaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin. Patatawarin siya ng Panginoon dahil tumutol ang kanyang asawa.

13May karapatang pumayag o tumutol ang kanyang asawa sa kahit anong ginawa niyang sumpa o panata.

14Ngunit kung hindi tumutol ang kanyang asawa sa mismong araw na nalaman niya ito, pumapayag ang kanyang asawa na tuparin niya ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.