11at nalaman ito ng kanyang asawa ngunit tumahimik lang ito at hindi tumutol, kailangang tuparin niya ito.
12Ngunit kung tumutol ang kanyang asawa kapag nalaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin. Patatawarin siya ng Panginoon dahil tumutol ang kanyang asawa.
13May karapatang pumayag o tumutol ang kanyang asawa sa kahit anong ginawa niyang sumpa o panata.
14Ngunit kung hindi tumutol ang kanyang asawa sa mismong araw na nalaman niya ito, pumapayag ang kanyang asawa na tuparin niya ito.
15Subalit kung pinalipas pa ng kanyang asawa ang ilang araw bago tumutol, ang kanyang asawa ang parurusahan sa kanyang kasalanan.”