7Nakipaglaban sila sa mga Midianita, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises at pinatay nila ang lahat ng lalaki.
8Kasama sa pinatay nila ang limang hari ng Midian na sina Evi, Requem, Zur, Hur at Reba. Pinatay din nila si Balaam na anak ni Beor sa pamamagitan ng espada.
9Binihag ng mga Israelita ang mga babae at mga batang Midianita, at sinamsam nila ang kanilang mga hayop at mga ari-arian.
10Sinunog nila ang lahat ng bayan pati ang lahat ng kampo ng mga Midianita.
11Dinala nila ang kanilang mga sinamsam, maging tao o hayop man,