Mga Bilang 32

‘Dahil sa hindi sila sumunod sa akin nang buong puso nila, wala ni isa man sa kanila na dalawampung taóng gulang pataas na nagmula sa Ehipto, ang makakakita ng lupaing ipinangako ko kay Abraham, Isaac, at Jacob,

Numbers 32:11 (UKJV) Surely none of the men that came up out of Egypt, from twenty years old and upward, shall see the land which I swore unto Abraham, unto Isaac, and unto Jacob; because they have not wholly followed me:

9Nang makarating sila sa Lambak ng Eshcol, at nakita nila ang lupain, pinahina nila ang loob ng mga Israelita na pumunta sa lupaing ibinigay ng Panginoon sa kanila.

10Matindi ang galit ng Panginoon nang araw na iyon at sumumpa siya:

11‘Dahil sa hindi sila sumunod sa akin nang buong puso nila, wala ni isa man sa kanila na dalawampung taóng gulang pataas na nagmula sa Ehipto, ang makakakita ng lupaing ipinangako ko kay Abraham, Isaac, at Jacob,

12maliban lang kay Caleb na anak ni Jefune na Kenizeo at kay Josue na anak ni Nun, dahil sumunod sila sa Panginoon nang buong puso nila.’

13Nagalit nang matindi ang Panginoon sa mga Israelita, kaya pinaikot-ikot niya sila sa ilang sa loob ng apatnapung taon hanggang sa nangamatay ang buong henerasyon na gumawa ng masama sa kanyang paningin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.