11‘Dahil sa hindi sila sumunod sa akin nang buong puso nila, wala ni isa man sa kanila na dalawampung taóng gulang pataas na nagmula sa Ehipto, ang makakakita ng lupaing ipinangako ko kay Abraham, Isaac, at Jacob,
12maliban lang kay Caleb na anak ni Jefune na Kenizeo at kay Josue na anak ni Nun, dahil sumunod sila sa Panginoon nang buong puso nila.’
13Nagalit nang matindi ang Panginoon sa mga Israelita, kaya pinaikot-ikot niya sila sa ilang sa loob ng apatnapung taon hanggang sa nangamatay ang buong henerasyon na gumawa ng masama sa kanyang paningin.
14“At ngayon, kayo namang lahi ng mga makasalanan ang pumalit sa inyong mga ninuno at dinagdagan pa ninyo ang galit ng Panginoon sa mga Israelita.
15Kung hindi kayo susunod sa Panginoon, pababayaan niyang muli kayong mga mamamayan dito sa ilang at kayo ang magiging dahilan ng pagkalipol ng mga Israelita.”