Mga Bilang 32

Sinabi ni Moises sa kanila, “Kung talagang gagawin ninyo ʼyan, kapag handa na kayo sa pakikipaglaban kasama ang Panginoon,

Numbers 32:20 (UKJV) And Moses said unto them, If all of you will do this thing, if all of you will go armed before the LORD to war,

18Hindi po kami uuwi hanggang sa matanggap ng lahat ng mga Israelita ang lupaing kanilang mamanahin.

19Ngunit ayaw naming makatanggap ng lupa kasama nila sa kabila ng Jordan. Mas gusto po namin dito sa bandang silangan ng Jordan dahil nakakuha na kami ng parte namin dito sa silangan ng Jordan.”

20Sinabi ni Moises sa kanila, “Kung talagang gagawin ninyo ʼyan, kapag handa na kayo sa pakikipaglaban kasama ang Panginoon,

21at kapag tumawid ang lahat ng sundalo ninyo sa Jordan hanggang sa maitaboy ng Panginoon ang kanyang mga kaaway

22at maangkin ang lupa, maaari na kayong makabalik dito dahil natupad na ninyo ang inyong tungkulin sa Panginoon at sa kapwa ninyo Israelita. At magiging inyo na ang lupaing ito sa harapan ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.