40Kaya ibinigay ni Moises ang Gilead sa mga angkan ni Maquir, na lahi rin ni Manases at doon sila nanirahan.
41Naagaw ni Jair na mula rin sa lahi ni Manases, ang mga nayon sa Gilead at tinawag niya itong, “Mga Bayan ni Jair”.
42Naagaw ni Noba ang Kenat at ang mga baryo sa palibot nito at tinawag niya itong, “Noba” ayon sa pangalan niya.