1Ito ang mga lugar na dinaanan ng mga Israelita nang umalis sila sa Ehipto na nakagrupo ang bawat lahi sa ilalim ng pangunguna nina Moises at Aaron.
2Ayon sa utos ng Panginoon, inilista ni Moises ang kanilang dinaanan na mga lugar mula sa kanilang pinanggalingan.
3Naglakbay sila mula sa Rameses sa ika-labinlimang araw ng unang buwan pagkatapos ng Pista ng Paglampas ng Anghel. Lumabas silang may lakas ng loob, sa paningin ng mga Ehipsiyo