Mga Bilang 33

Naglakbay sila mula sa Rameses sa ika-labinlimang araw ng unang buwan pagkatapos ng Pista ng Paglampas ng Anghel. Lumabas silang may lakas ng loob, sa paningin ng mga Ehipsiyo

Numbers 33:3 (UKJV) And they departed from Rameses in the first month, on the fifteenth day of the first month; on the next day after the passover the children of Israel went out with an high hand in the sight of all the Egyptians.

1Ito ang mga lugar na dinaanan ng mga Israelita nang umalis sila sa Ehipto na nakagrupo ang bawat lahi sa ilalim ng pangunguna nina Moises at Aaron.

2Ayon sa utos ng Panginoon, inilista ni Moises ang kanilang dinaanan na mga lugar mula sa kanilang pinanggalingan.

3Naglakbay sila mula sa Rameses sa ika-labinlimang araw ng unang buwan pagkatapos ng Pista ng Paglampas ng Anghel. Lumabas silang may lakas ng loob, sa paningin ng mga Ehipsiyo

4na naglilibing ng kanilang mga panganay na lalaking pinatay ng Panginoon. Hinatulan din ng Panginoon ang kanilang mga diyos.

5Umalis ang mga Israelita sa Rameses at nagkampo sa Sucot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.