2Ayon sa utos ng Panginoon, inilista ni Moises ang kanilang dinaanan na mga lugar mula sa kanilang pinanggalingan.
3Naglakbay sila mula sa Rameses sa ika-labinlimang araw ng unang buwan pagkatapos ng Pista ng Paglampas ng Anghel. Lumabas silang may lakas ng loob, sa paningin ng mga Ehipsiyo
4na naglilibing ng kanilang mga panganay na lalaking pinatay ng Panginoon. Hinatulan din ng Panginoon ang kanilang mga diyos.
5Umalis ang mga Israelita sa Rameses at nagkampo sa Sucot.
6Umalis sila sa Sucot at nagkampo sa Etam, sa gilid ng disyerto.